Thank You, Professors!
Mitzi Portia Villanueva Mitzi Portia Villanueva
374 subscribers
5 views
1

 Published On Jun 17, 2022

[Video Transcription]

Dakila Ang Mga Guro (Spoken Poetry)
Isinulat ni Joshua P. Ramirez

Ang ating mga guro ang hagdan para unti-unti tayong makaayat sa inaasam
Sila ang tulay na magpapaalalang kahit gaano kalayo ang agwat
May magdudugtong sa'yo at sa pangarap

Sila ang pantasa ng isang baguhang lapis na pilit hinahasa
Binigyan nila tayo ng tiwala at kailanman ay walang pagdududa
Sila sa atin ay naniniwala

Hindi sila ang pader na kailangan mong gibain
Hindi sila ang inakala mong hadlang sa pangarap dahil sa markang alanganin

Nakitaan nila tayo ng potensyal
At sa apat na sulok, ni wala silang paborito at espesyal
Sa akanilang mga mata at pagkalinga
lahat ng kanilang mga anak ay pantay-pantay

Naniniwala ang ating mga guro sa ating kakayanan
At hindi ka na mababahala pa sa paghakbang

Tangan niya ang ilaw at paalala ng palaban
Tatapikin niya ang ating likod sa oras ng kalungkutan
Pakikinggan ang ating saloobin sa paraang hindi tayo huhusgahan
Mahalaga sa kanila ang ating kuwento
Pakikinggan nila ito nang buong puso

Iba't-iba man sila ng estilo o paraan ng pagtuturo
Silang lahat ay huwaran at modelo
Hindi lamang sa pang-akademiko
Ginagabayan din nila tayo para maging mabuting tao

Huwag kang magdadalawang isip na sumangguni
Hinihintay ka lamang niyang lumapit
Ngunit kapag ang pagbabago ay kanyang nabatid
Agad-agad ka niyang tatanungin at kakausapin

Ganon nila tayo pahalagahan
Ganon nila tayo ingatan at pangalagaan

Ang mga guro ang nagsisilbing direksiyon ng ating pupuntahan
Kung paano nila itinuwid ang ating mga pakurba at kamalian
Magbibitaw sila ng pangaral upang tayo ay mamulat

At palagi nilang bilin sa kung saan man tayo dalhin
At makamit man natin ang tagumpay
Huwag makakalimot na lumingon sa pinanggalingan

Sa silid,
Sa loob ng apat na sulok,
Sa bawat pasilyo,
At sa mga ala-ala na huhubog sa ating pagkatao
Hindi lamang sa mga letra at numero
Kabutihan ng puso,
Kababang loob,
at pagpapakatao.

Ang bawat gurong ating taga payo
habang buhay nang mananatili sa ating isip at puso
Ang mga gintong aral at natatanging sandali
Ingatan natin hanggang sa huli at sa muli
Ang ating mga guro ay tunay na bayani
Ang kanilang mga sakripisyo ay hindi matatawaran
Kaya dapat natin silang igalang
Gunitain natin ang kanilang araw
At ipaalala sa kanila ang mahalgang papel sa ating buhay

Kayo, mga dakilang guro, aming minamahal
Tumatayong pangalawa naming mga magulang
Dalangin namin ang inyong kaligtasan

Maraming salamat po sa bawat kaalaman,
Bawat tawanan,
Bawat kuwento,
Bawat sandali,
At bawat parangal
Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal
-
Thank You (Teacher's Day Song)
by Joanna Sam

Teacher
See the good inside me
Take my hand and guide me
Your way
Teacher
When you see me giving up
Teach me how to stand up
Again
Thank you for all that you have done
Thank you for all you do
I've been molded by your hands
So, thank you
Thank you
Teacher
We are still the young ones
But, we won't be the young ones
For long
Teacher
Take me and define me
When you are beside me
I'm strong
When I'm old and wiser
I'll remember you
Promise I'll grow stronger
At the thought of you
Thank you for all that you have done
Thank you for all you do
I've been molded by your hands
So, thank you
Thank you
I've been molded by your hands
So, thank you
Thank you

YouTube Link:    • Thank You (Teacher's Day Song) | Orig...  

show more

Share/Embed