Paglilibing (Pasiong Mahal)
Buen Viaje PH Buen Viaje PH
3.14K subscribers
1,953 views
33

 Published On Feb 8, 2024

Visit:   / buenviajeph  

My take on the 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘣𝘪𝘯𝘨 part of the Casaysayan ng Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin as sung in the town of Morong in the province of Rizal. Photos are from the 𝘱𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘺 𝘤𝘢𝘳𝘪𝘥𝘢𝘥 at the Chapel of the Bleeding Christ in Bo. Sn. Jose, Quezon City.

9 February 2024
_______

Lyrics:

Halos di ibig bitiuan
nang Inang may hapis lumbay
ang sa Anac niyang bangcay
ninonoynoy nininilay
yaong madlang cahirapan

¡Laquing saquit hirap baga
nang Inang nañguñgulila
bununto-buntong hiniñga
at gayon din ang dalaua
si Juan at si Magdalena

Lumuhod na capagcouan
ang dalauang mañga banal
inabot nila ang bangcay
saca naman pinagdalhan
sa cabaong inilagay

Tinacpan namang totoo
ang bangcay ni Jesucristo
nang sábanas at sudario
bañgong hindi mamagcano
saan man sila patuñgo

Angeles sa calañgitan
nanaog at pumatnubay
sa daang nilalacaran
canilang tinatangisan
itong Dios na maalam

Marami nama,t, madla pa
babaying nañgagsisama
pauang may luha sa mata
lumbay na ualang capara
sa puso at ala-ala

Doon din sa halamanan
Getsemani ang pañgalan
itong si Joséf na banal,
ay may nabiling baunan
di pa pinaglilibiñgan

At ang boo niyang nasa
caya binili ng una,
ay doon ilibing baga
na cun siya,i, mamatay na
ang catauat,t, bangcay niya

Sa malaquing sintang tañgan
niya sa Poong maycapal
ay iyong sadyang libiñgan
inihandog, ini-alay,
dito sa mahal na bangcay

Nang sila ñga ay dumating
dito sa mahal na libing
ay ibinaba nang tambing
ang catauang maloningning
nitong sumacop sa atin

Binuhat at sinahucay,
at saca nila tinacpan
nang taquip na nalalaan
batong mármol ang pañgalan
sadyang calinis-linisan

show more

Share/Embed