8BEATS - Isang Daan
Music Fever Music Fever
768 subscribers
6,195 views
26

 Published On Sep 5, 2021

8BEATS -Isang Daan

Official Music Video:    • ISANG DAAN - OCHOMIL feat. CLR, RHYNE...  


📝
COPYRIGHT DISCLAIMER:
I do not own this video/track nor the image featured in this video. All rights belong to the rightful owner/s. No copyright infringement intended.

Please support original artist/s.

🥀
Wag mo muna ako gisingin
Managinip kang mag isa
Dapat di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay 'di ka makikinig
Sa aking mga sasabihin
Ngunit alam mong puro ko lagpas
'Sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay 'di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to
Mga mali ko 'di ko na uulitin
Pakitaga 'yan sa bato
'Wag kang matakot sumugal
Kung para sa pangarap
Ibuhos mo ang todo mo
'Wag kang magpapaawat
Walang ibang tutulong
Walang ibang yayakap
Kundi ang iyong sarili lang
Kaya gawin ang dapat
Subok lang ng subok
Hanggang sa maka isa
Bigay mo ang lahat
Wala namang mawawala
Tutukan ng maigi 'yan
Bago ang iba
Upang lahat ng mga nais mo
Ay mapasayo na
'Wag kang mapagod mag isip
'Wag kang mainip
Tuloy ka lang sa paghakbang
Kahit matarik man ang daan
At kahit medyo patagilid ang sitwasyon
'Wag mangamba dahil makakamit
Hindi na bale kung
Ika'y na sa may hulihan
Balang araw mangunguna
Basta gagalingan
Mabigat man ang hamon
Sayong nakadagan
Ay balewala
Kung iyo 'tong papalagan
Wag mo muna ako gisingin
Managinip kang mag isa
Dapat di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay 'di ka makikinig
Sa aking mga sasabihin
Ngunit alam mong puro ko lagpas
'Sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay 'di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to
Mga mali ko 'di ko na uulitin
Pakitaga 'yan sa bato
Ugh,
Alam nyo na kung sino 'to
Dating bata naligaw at medyo nalito
Nalinawan lang din
Kaya ngayon ako'y narito
Tila buhay ang patunay
Gumagana ang pangarap
Grabe nga lang yung dinanas ko
'Di tumigil 'gang mahanap
Buti na lang 'di sumuko
'Di maagang bumigay
'Yung kasama kong nagutom
Kasama nang dumighay
May naiwan
May naglaho
Meron pa rin sumusubok
May patuloy tumutubo
'Dun sa tsamba tumutusok
'Di maawat
'Di masisi
Gusto kong kumawala
'Yung pasanin sa balikat
Gusto ko lang mawala
Simpleng buhay na kalmado
'Di na nag aalala
Kitang kita saking lente
Meron nang napapala
'Yung iba natutuwa
At may ibang natatawa
'Yung iba walang bilib
Pa rin sa 'king nagagawa
Pero 'di na din pansin
Kase hanap ko pahinga
Walang bigat sa puso
Maalwan ang pahinga
Wag mo muna ako gisingin
Managinip kang mag isa
Dapat di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay 'di ka makikinig
Sa aking mga sasabihin
Ngunit alam mong puro ko lagpas
'Sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay 'di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to
Mga mali ko 'di ko na uulitin
Pakitaga 'yan sa bato
Subukan mo na ngumiti muli
Kahit na napakahapdi pa ng kahapon
Sige yakapin lang ng mahigpit
'Yun unan mo
Pero pag tapos nyan dapat
Ika'y bumangon
Panibago ang atake
At mga tali
Na dudugtong muli sayo
Sa pangarap na dinale
Ng bulok na sitwasyon
Tutok lang bigyan aksyon
Suntok lang sa ambisyon
Ihanda mga rasyon
Wala ng ora-orasyon
Rekta ito sa puso at utak
Ng mga nakikinig
At patuloy na inaalay
Ang bawat sandali para sa pamilya
Naniwala't bumilib
Ikaw mismo ang iyong swerte
Kaya ingatan
Palakasin pag ibig ang iyong anting-anting
'Wag kang mawalan ng panlasa't pag asa
Problema't korona puksain mo at daigin
Wag mo muna ako gisingin
Managinip kang mag isa
Dapat di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko 'to kabisa
Malamang ay 'di ka makikinig
Sa aking mga sasabihin
Ngunit alam mong puro ko lagpas
'Sang daang pursyento 'to
Pusong sabik ay 'di na muling mabibitin
Sa pagkakataong 'to
Mga mali ko 'di ko na uulitin
Pakitaga 'yan sa bato
Woo-hooo
'Yung mga bato na binato niyo sa akin
Ginawa ko lang kastilyo 'to
Woo-hooo
Mga mali ko'y 'di na uulitin
'Taga mo 'yan sa bato
Woo-hooo
'Di na ininda ang sugat na natamo
Alam mo ba kung bakit
'Di 'to kayang salubungin ng galit
Mga bumangga sa 'kin
Alam mo na sinapit
'Taga mo 'yan sa bato
Woo-hooo
'Yung mga bato na binato niyo sa akin
Ginawa ko lang kastilyo 'to
Woo-hooo
Mga mali ko'y 'di na uulitin
'Taga mo 'yan sa bato
Woo-hooo
'Di na ininda ang sugat na natamo
Alam mo ba kung bakit
'Di 'to kayang salubungin ng galit
Mga bumangga sa 'kin
Alam mo na sinapit

show more

Share/Embed