Published On Apr 23, 2020
TITLE: SA MULI NATING PAGTATAGPO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | BY: MERCY BLESS C. LIGERO
"Sa ating muling pagtatagpo"
Ilang araw na ang lumipas na tayong dalawa’y pinaglayo
Para tayong nagtatagu- taguan na di matapos ang laro
Pero sana di ito ang rason na ang “tayo” ay maging malabo
Na sana sa muli nating pagtatagpo ay dala dala parin natin ang ating pangako
Araw araw man tayong sinusubok ng distansya
Na sa ating pangangamusta ay masisilayan lamang ang mga letra
Salitang mahal kita ay minsan na lamang maririnig dahil atin na lamang itong nababasa
Ay sana di tayo manghina, na ikaw at ako ay buo parin sa ating muling pagkikita
Ang dami mang nagbago, sa panibagong paggalaw ng mundo
Ay sana di magbabago ang pagsasama nating nabuo
Mananatili tayong matatag sa gitna ng pagsubok na ito
Ng masilayan muli ang pag-ibig sa muli nating pagtatagpo
Sa ating muling pagtatagpo ay di na sasayangin ang oras na makasama ka
Susulitin ang bawat segundo na masisilayan ka
Tititigan ka sa mata, dahil ito yung di ko nagawa
Ang pahalagahan ka, dahil parang mas na paramdam ko sayo ang binaliwala
Ngayon na sabik na akong makita ka
Ay mas napapahalagahan ko ang bawat oras na noon ay akin lamang inaaksaya
Namimiss ko ng marinig ang mga salitang binibitawan mong nakakatawa
Na sa kalungkutan ko ay andyam ang iyong presensya
Sa muli nating pagkikita, ay mas ipaparamdam ko sayo na kamahalmahal ka
Ipagsisigawan ko na kakaiba ka, na ikaw lamang ang makakapagpaligaya
Sa puso kong matagal ng binalot ng lungkot at luha
Kaya sa muli nating pagtatagpo
Di na muling sasayanngin ang mga pagkakataon
Di na muling ipaparamdam ang sakit na matagal ng nakabaon
Maspapahalagahan ka at hinding hindi na lilingon
Mga di magandang nakaraan ay hahayaan na matangay ng alon
Sa ating muling pagtatagpo
Ay muling mabubuhay ang ating mga pangako
Dala dala ang mga salitang di nabigo
Na nanatiling nakatayo
kahit na tayo’’y pinaglayo,
You can follow me on my Facebook Page For more hugots to share
FACEBOOK PAGE :
/ mercy-bless-102417664695351
REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE :)
GOD BLESS YOU ALL :)
IF NAKAABOT KA HANGGANG DITO
-- I LOVE YOU HAHAHA, SALAMAT SA SUPORTA