Libot Pilipinas Day 221: Cleaning our Home at 2:00 AM | Bahay Jeep
BAHAY JEEP ni ANTET BAHAY JEEP ni ANTET
91.9K subscribers
37,603 views
744

 Published On Dec 6, 2023

Ngayong araw ay ang pang 221 days namin na pagtira sa jeepney habang nililibot ang buong Pilipinas.

Sa mga nakaraang video nga ay tuloy-tuloy ang pag-ulan kaya nakakulong lang kami sa loob ng bahay jeep at hindi tayo masyadong makapag-adventure.

Binaha pa nga ang Catarman, Northern Samar dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ngayong araw mga kalibot ay maghahanda na kami para sa magiging roadtrip natin dahil gumaganda na ang panahon. Inabot na nga kami ng alas 3 ng madaling araw sa pag-aayos ng mga gamit namin.

Pero bago kami tuluyang umalis dito sa Lavezares ay magbabangka muna tayo at pupunta tayo sa dinidevelop na Lalaguna Mangrove Eco Park dito sa Brgy San Isidro.

Nakakita rin pala kami ng makamandag na ahas sa dagat na tinatawag nilang walu-walo. Dahil kapag nakagat ka raw nito, tatagal lang ang buhay mo ng walong araw, walang minuto o walong segundo lang.

At bibili narin tayo ng seafood na tinatawag nilang sahang na nakukuha pa sa ilalim ng dagat. Napakakmura dito grabee, 5 pesos lang kada isang piraso.

Tara, samahan nyo ulit kami ngayong araw sa panibagong adventue at ipapakita namin sa inyo ang ganda ng Perlas ng Silangan.

show more

Share/Embed